Paano Magsimula Ng Negosyong Car Wash | Carwash Business

Ang negosyong carwash ay isa sa mga sumisikat ngayon na negosyo dahil sa pagdami ng mga sasakyan sa kalsada. Noong nakaraang taon (2019) nasa 97,375 na sasakyan ang nabenta sa unang quarter palang ng taon, ito ay base sa mga distributors at manufacturer groups AVID (Association of Vehicle Importers and Distributors), CAMPI (Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines) and TMA (Truck Manufacturers Association). Kung mapapansin ninyo na grabe na ang traffic dito sa Pilipinas lalo na sa Metro Manila at kahit na nasa probinsya hindi na rin maiiwasan na makaranas ng matinding traffic,  yan ay isa sa mga dahilan kung bakit kahit marami na ang mga nagtayo ng carwash ay marami pa rin ang interesado na gawin ang ganitong klase na negosyo. Ang negosyong carwash ay isang serbisyo na kung saan nililinis ang ilang parte sa loob at buong labas ng sasakyan. 


Ang Carbalen ay gumawa ng mga madaling hakbang kung paano magtayo ng carwash.

Pagpaplano

  • Humanap ng magandang lokasyon para sa iyong itatayong carwash

  • Napakahalaga ng lokasyon sa ganitong klase na negosyo, dahil ang market mo ay ang mga taong may sasakyan na kadalasan ay busy sa kanilang mga trabaho o negosyo. Kadalasan nagpapalinis sila sa dinadaanan nila papunta sa kanilang trabaho o opisina.

    Isang magandang strategy, pagtatayo ng carwash malapit sa mga kainan o gasoline station, dahil dito dumadaan ang mga taong may sasakyan.

  • Planuhin kung anong magiging itsura ng ipapatayong carwash

  • Kailangan mong mag benchmark sa mga carwash na malapit sa area mo kung anong itsura ng mga carwash. Kadalasan ang carwash na simple ay may tatlong bays o apat, may waiting area at may room para sa mga carwash boys.

  • Mag isip ng pangalan at logo ng iyong carwash

  • Mag isip ng magandang pangalan ng iyong carwash, hangga't maaari gawing  kakaiba ang pangalan para mas madali nilang matandaan ito. Gumawa ng logo base sa pangalan na naisip mo.

  • Humanap ng carwash chemical supplier

  • Sa panahon natin ngayon hindi mahirap humanap ng carwash chemical supplier dahil may mga sumisikat na rin tayong mga local car care manufacturer dito sa Pilipinas.

    Listahan ng mga kailangan na chemicals

    • Car Shampoo
    • Tireblack
    • All-purpose dressing
    • All-purpose cleaner
    • Degreaser
    • Car freshener
    • Glass cleaner
    • Sanitizing solution

    Marami pang chemicals ang kakailanganin pero habang nagsisimula pwede ka muna sa mga basic needs ng carwash.

  • Humanap ng carwash tools and equipment

  • Kung may Agri Mall sa inyo napaka swerte mo dahil dito halos ang mga suppliers ng carwash tools and equipment, kung malapit ka sa Marina Arcade DAU Pampanga, pwede mo rin subukan mag tingin ng mga kakailanganin mo sa iyong itatayong business.

  • Humanap ng mga tao na magtatrabaho sa iyo.

  • Kadalasan ang kung nagsisimula ka pa lang at dalawang bays or tatlong bays ang balak mong ipatayo sa carwash mo, kakailanganin mo ng apat na katao para maglinis ng sasakyan.

    Hangga't maari kumuha ng isang may experience na sa paghuhugas ng sasakyan para ma-train nya yung mga kasama nya na mag tatrabaho. 

    Pagpapatupad

    Ipatayo ang carwash sa nakitang lokasyon: Ipatayo na ang carwash base sa plano mo.

    Pangalan at logo: Kapag nakaisip ka nang pangalan at itsura ng iyong logo, gawin mo na ito o di kaya naman ipagawa sa mga mas nakakaalam. Kung magpaparehistro ka mas maganda na sa DTI mo muna ipa register at sasabihin ko ang dahilan mamaya.

    Chemicals: Makipag negosasyon sa iyong supplier kadalasan may promo na ibinibigay ang mga supplier ng chemicals lalo na kapag bulk orders. Subukan lahat ng chemicals ng mga nakita mong supplier kung maaari ay humingi ka ng sample products nila para masubukan mo muna bago ka bumili.

    Tools and equipment: 

    Eto yung mga kadalasang kakailanganin mo na tools at equipment sa carwash

    • Air compressor
    • Foam tank
    • Power spray (pressure washer)
    • Microfiber towel
    • Car dryer
    • Buckets
    • Wheel brushes
    • Chamois leather 
    • Aprons, gloves and boots
    • portable ladder
    • Drums

    Trabahador o katiwala: Dapat may kasama ka ng kumikilos kahit hindi mo pa naipatayo ang iyong carwash. Ito ang kadalasang nakakalimutan ng mga nagsisimula sa carwash, yung tipong okay na ang lahat pero ang trabahador naman ang kulang tapos hindi makahanap ng mapagkakatiwalaan darating at aalis din agad ang mga nagtatrabaho sa kanila dahil hindi sila nagmamalasakit. Ang magandang istratehiya ay humanap ng magtatrabaho sayo una pa lang para maging OIC o supevisor sa carwash. 

    Kanina sabi ko sa DTI muna iparegister. Dahil yun ang unang gagawin para ang pangalan ng carwash mo ma secure mo na at hindi na makuha pa ng iba. Dahil sa DTI ipaparehistro mo ang pangalan ng carwash mo hindi pwedeng may kapareho lalo na kung nasa parehong industriya. Kapag nasa ayos na ang lahat, bago ka magsimula ng operasyon siguraduhin na kompleto na ang permit mo para iwas abala at aberya na din sa inyong negosyo.

    Serbisyo

    Sa carwash mayroon iba’t ibang serbisyo depende sa kailangan ng customer. Heto ang mga ilan na pwedeng i-alok na serbisyo.

    • Carwash
    • Vacuum
    • Acid Rain Remover
    • Engine Wash
    • Engine Dressing
    • Under Wash
    • Hand Buff Wax
    • Machine Buff Wax
    • Interior Detailing
    • Exterior Detailing

    Carwash Marketing

    Tulad ng ibang negosyo, kailangan mo ang marketing para malaman ng market mo ang carwash mo.

    Simulan ito sa pag gawa ng facebook page, pag rehistro sa mga directory websites, maglagay ng signage at tarpaulin malapit sa lugar ng iyong carwash, mamigay ng polyeto. 

    Photos by: Wash Up Carwash & Accessories


    Share this post


    Leave a comment

    Note, comments must be approved before they are published