Para Palaging Nasa Kondisyon Ang Sasakyan Mo Ngayong Enhanced Community Quarantine

Kondisyon Ang Sasakyan Ngayong Enchanced Community Quarantine

Ngayon na nasa ilalim tayo ng umiiral na enhanced community quarantine dulot ng Covid-19 ay naka sarado halos lahat ng komersyo. Dahil dito hindi na rin natin masyadong nagagamit ang ating mga sasakyan, kung sakaling gagamitin man natin ito ay tuwing bibili lang tayo ng esensyal. Walang pumapasadang pang publikong sasakyan at dahil dito kailangan ang ating mga sasakyan ay nasa magandang kondisyon lalo na sa panahon na ito para may magamit tayo na transportasyon sa oras ng pangangailangan. Ang Carbalen Car Care Products (CCCPs) ay magbibigay sa inyo ng mga tips ng mga kailangan nyong gawin sa mga sasakyan ninyo para mapanatili ang magandang kondisyon nito sa panahon ng ECQ.

  • Alisin ang hand brake ng sasakyan, dahil maaaring dumikit o mag lock ang mga pads sa brake drum kapag matagal itong naka hand brake at hindi ginagamit. Noon pa man pinag dedebatihan na ito na yung mga lumang sasakyan lang daw ang nakaka-experience ng hang brake lock hanggang sa may mga kaso na din na nagpatunay kahit ang mga modelong sasakyan ay nakaranas na din ng ganong pangyayari. Kaya mas mainam na ang mag ingat dahil wala namang mawawala kung susundin natin ito. (kung automatic ang sasakyan, ilagay sa parkmode (P), kung manual naman ang sasakyan ilagay ito sa first gear) lagyan ng kalso para maiwasan ang pag galaw ng sasakyan.
  • Check fluids, para ang sasakyan ay umandar ng mabisa, kailangan kompleto o nasa optimum level. Sa engine oil pwede mong icheck sa deep stick, sa radiator naman pwede mong buksan ang radiator cap para makita mo kung may laman ito, check mo rin ang brake indicator kung umiilaw ito or check mo manually, power steering fluid kailangan mo rin icheck dahil pwedeng masira kung kulang ito sa fluid.
  • Koryente, buksan ang hood at icheck ang mga wiring kung walang putol, icheck lahat ng ilaw kung lahat ay nasa ayos.
  • Baterya, kadalasan sa mga lumang sasakyan ay nalolowbat ang mga sasakyan kapag hindi masyadong ginagamit. Ang magandang paraan para maiwasan ang ganong pangyayari, tanggalin muna ang battery terminal kung matagal na hindi gagamitin ang sasakyan.
  • Gulong, ang gulong ay napaka importante check itong mabuti at kung kulang sa hangin, mas mainam na palagyan ito ng hangin at sundin ang recommended PSI.



Share this post


Leave a comment

Note, comments must be approved before they are published