Kompletong Gabay Kung Paano Linisin Ang Loob Ng Sasakyan

Ibibigay ng Carbalen sa inyo ang mga pinaka mahuhusay at epektibong pamamaraan kung paano mag mag linis o i-detail ang loob ng inyong sasakyan kahit walang mamahaling equipment. Kaya basahin mula sa umpisa hanggang sa dulo ng article na ito para malaman lahat ng pwedeng makatulong sa inyo sa car interior detailing.

Sa araw-araw na ginagamit natin ang ating mga sasakyan, hindi maiiwasan na madumihan ito. Kada sampa natin sa sasakyan may mga dumi gaya ng buhangin ang naipapasok natin sa sasakyan, lalong dadami ito kapag kumain tayo sa loob ng sasakyan at iba pang nakakadagdag ng dumi yung mga balat ng candy, make-up na nalagnag, buhok na nalaglag, tubig na natapon, mga maliliit na pagkain na natatapon kapag kumakain tayo, at marami pang iba. 

Alam nating lahat na ang regular na pag papalinis ng sasakyan lalo na ang pag-aalis ng alikabok at pag vacuum sa loob ng sasakyan ay malaking tulong para maiwasan ang malaking gastos sa detailing, at ito ay sinasangayunan ng Carbalen, ngunit darating din ang araw na kakailanganin mong ipa-detail o i-detail mo ang loob ng iyong sasakyan.

Paano malalaman kung kailangan mo nang i-detail ang loob ng iyong sasakyan?

Gamitin ang tatlo (3) sa five senses.

  • Sense of sight - kapag may mga marka na hindi na kayang tanggalin ng ordinaryong pag lilinis tulad ng pag punas at pag vacuum, kandidato na ito para i-detail.
  • Sense of smell - kapag may hindi magandang amoy ang loob ng iyong sasakyan. Kailangan na itong i-detail. Meron kaming guide tungkol sa kung paano tanggalin ang amoy ng sasakyan pwede nyong basahin para magkaroon kayo ng gabay.
  • Sense of touch - kapag may magaspang na nahahawakan kahit walang amoy o walang dumi pupwedeng may namumuong dumi o bacteria na sa loob ng inyong sasakyan, kailangan na itong i-detail.

Mga tool at materyales na kailangan para sa car interior detailing

  • Vacuum cleaner
  • Basahan at applicators (microfiber, foam)
  • Brushes
  • Timba (o lalagyan ng tubig)

Bago magsimula sa paglilinis tanggalin muna lahat ng nakikita nating dumi na pwedeng alisin gamit ang kamay o vacuum.

Carpets at Floor Mats 

Dito magandang simulan ang pag linis dahil ito ang pinaka marumi at pinaka malaking parte ng interyor ng sasakyan. Ngunit kailangan munang suriin ang buong sasakyan kung meron pang mas marumi sa carpet yun ang unahin sapagkat maaaring matapon ang dumi sa carpet at iniiwasan nating umulit sa paglilinis ng carpet. Tanggalin ang floor mats linisin ito gamit ang brush at all-purpose cleaner. Kapag malinis na ito patuyuin gamit ang carpet extractor at isampay o ibilad sa init ng araw.

Upuan (Car Seats)

Meron tayong iba’t ibang uri ng materyales sa upuan nang sasakyan at lahat ng ito ay nangangailangan ng iba’t ibang paglilinis.

Yari sa balat (Leather)

Hangga’t maaari APC at foam lang ang gagamitin na pang linis, ngunit kung kinakailangan na gumamit ng brush, gumamit nang malambot na sipilyo para maiwasan ang pagkasugat nang leather. Kapag malinis na ang buong upuan, lagyan ng all-purpose dressing na may leather conditioner. Iwasan ang oily all-purpose dressing dahil ito ay kapitin ng alikabok.

Vinyl

Hindi katulad ng leather seats, ito ay mas madaling linisin gamit ang all-purpose cleaner at microfiber fiber cloth o basahan. Pwede rin lagyan ng all-purpose dressing pagkatapos malinis.

Tela (Cloth)

Ang paglalagay ng baking soda bago linisin ay nakakatulong para mapabilis ang paglilinis dahil tinatanggal na nito ang hindi magandang amoy sa upuan ng sasakyan. Sa paglilinis ng upuan na tela ang materyales ginagamitan din ito nang all-purpose cleaner, ngunit kailangan na suriin mabuti ang kemikal na gagamitin kung meron ba itong antibacterial sa formula dahil sa tela kadalasan namumuo ang mga bacteria, amag, at mikrobiyo. Ang Carbalen’s all-purpose cleaner ay meron antibacterial active formula. Kailangan nyo itong i-brush mas mainam na malambot na brush pa din ang gagamitin. Kailangan itong patuyuin mabuti bago ibalik sa loob ng sasakyan. 

Front Panel

Ang front panel ay ang harapang bahagi ng sasakyan, madalas ito ang nakikita natin at kung iisipin ay napaka hirap linisin dahil sa mga singit-singit na hindi abot ng ating kamay, pero ito ay madali lang kung tama ang gagamitin mong tools.

Dashboard

Alisin muna sa kamay lahat ng dumi na pwedeng alisin, i-vacuum ang dashboard para sa mga alikabok, pagkatapos kumuha ng all-purpose cleaner at gumamit ng malambot na sipilyo para maiwasan ang pagkasugat ng dashboard. Kapag malinis na ang dashboard lagyan ito ng all-purpose dressing.

car interior cleaning philippines

Center Console

Parehas lang ng proseso sa dashboard all-purpose cleaner at all-purpose dressing. Tandaan kapag gumagamit ang all-purpose cleaner dapat magsimula sa dilution na mas marami ang tubig kesa kemikal at mag aadjust nalang kung kailangan dagdagan ng kemikal. Ang kadalasang mali ng mga detailers ay nag sisimula sila sa purong kemikal at kapag sobrang tapang nilalagyan ng tubig.

Air Vents

Ang mga grills sa air vent ay hindi mahirap linisin, kumuha lang ng long bristle bursh at compressed air para linisin ang mga vents. Sa ilang minuto lang malilinis na ang vents.

Door Panels

Karamihan sa mga sasakyan ang materyales na ginamit sa mga car seats at dashboard ng sasakyan ay parehas lamang sa mga door panels kaya hindi na kayo mahihirapan.

Glass windows

Pinaka huling lilinisin ay ang mga salimin ng sasakyn. Gamit ng microfiber cloth at glass cleaner ay madali itong malilinis at maalis ang mga marka sa salamin.

Odors

Pagkatapos i-detail ang sasakyan, kailangan ay mabango ito. Gumamit ng car air freshener spray o kaya naman ay i-sanitize ito gamit ang fog sanitizing method.


Share this post


Leave a comment

Note, comments must be approved before they are published