Bakit mabaho ang amoy sa loob ng sasakyan mo?

Car Interior

A driver driving a car, interior view.

Sino nga ba naman ang hindi may gusto ng malinis at mabangong sasakyan. Kapag mabango ang sasakyan pakiramdam mo sobrang linis niya at masarap idrive. Kapag may sasakay na miyembro ng pamilya, kamag-anak, ka-opisina, o kaibigan hindi ka mahihiya dahil alam mong magiging komportable sila sa pagsakay sa sasakyan mo. Kapag hindi maganda ang amoy, tila nahihiya kang mag sakay. Kapag pagod galing sa trabaho diba nakakarelax ang mabangong sasakyan? Sa araw-araw na pag gamit mo ng iyong sasakyan malamang naranasan mo na ang maka amoy ng hindi maganda habang ikaw ay nagmamaneho. May masamang amoy na mabilis mawala at meron din na hindi mabilis mawala angh hindi magandang amoy at nangangailangan ng agarang aksyon para ito ay mawala at bumalik sa normal ang amoy ng sasakyan. Bago gumawa ng ano mang aksyon, mas mabuti na alamin muna kung saan nanggagaling ang hindi magandang amoy sa iyong sasakyan para mas madaling makagawa ng paraan. 

Gumawa ang Carbalen ng listahan kung bakit bumabaho ang sasakyan

  1. Kung ang amoy ay nagmumula sa harapan ng sasakyan at iang amoy ay manamisnamis, maaaring ito ay may tagas na coolant. I-tsek ang radiator at mga radiator hoses kung may tagas palitan ito. (ipaayos sa eksperto kung nakitaan ng tagas)
  2. Kung parang body odour o amoy ng bawang, maaring preno ang dahilan o kapag parang sunog na dyaryo / papel maaring sa clutch naman nagmumula, mas mabuting i-tsek sa mekaniko o kahit sa mga car underchasis specialist.
  3. Kapag nasa harapan din ng sasakyan nagmumula ang amoy at parang sunog na langis, maaaring oil leak sa mga gaskets o hoses. (kapag nakitaan ng ano mang tagas, dalhin sa mekaniko)
  4. Kung amoy naman ay gas, icheck ang fuel regulator o baka may tagas sa fuel hose.
  5. Kung ang amoy naman ay malansa, i-tsek ang mga seat covers o carpet dahil kadalasan nagmamarka naman ito at agad itong linisin.
  6. Amoy kulob, i-tsek din ang mga seat covers at carpet kung basa ang mga ito. 
  7. Amoy na nagmumula sa aircon, ang mabahong amoy na lumalabas sa aircon vents ay sanhi ng moisture sa loob ng intake aircon o sa filter na pwedeng may mold (amag) na kapag nahaluan ng mikrobyo ay pwedeng itong lumala na magiging sanhi ng masangsang na hangin na lumalabas sa aircon.  

Paano alisin ang mabahong amoy sa sasakyan?

Sa mga nasa listahan natin kung bakit bumabaho ang sasakyan, numbers 1 - 4 mas mainam na ipagawa ito sa mga eksperto.

Para sa number five (5) (Kung ang amoy naman ay malansa, i-tsek ang mga seat covers o carpet dahil kadalasan nagmamarka naman ito at agad itong linisin.) Tanggaling ang marka sa seat covers o carpet na suspetsa mo na nagiging sanhi ng hindi magandang amoy sa loob ng sasakyan. Gumamit ng carbalen all-purpose cleaner dahil nagagawa talaga ang all-purpose duty at hindi amoy chemical.

Para naman sa number six (6) (Amoy kulob, i-tsek din ang mga seat covers at carpet kung basa ang mga ito. Patuyuin para mawala ang hindi magandang amoy.) Tanggalin muna ang mga basang materyal (seat covers, dashboard cover, o carpet) i-vacuum din ang loob ng sasakyan. Linisin gamit ang all-purpose cleaner, siguraduhin na tuyo muna ang mga lininis bago ibalik sa loob ng sasakyan.

Para sa number seven (7) (Amoy na nagmumula sa aircon, ang mabahong amoy na lumalabas sa aircon vents ay sanhi ng moisture sa loob ng intake aircon o sa filter na pwedeng may mold (amag) na kapag nahaluan ng mikrobyo ay pwedeng itong lumala na magiging sanhi ng masangsang na hangin na lumalabas sa aircon.) Hindi ito kaya ng ordinaryong air freshener o car diffuser dahil ang amoy ay nagmumula sa mga bacteria sa filter ng aircon o sa intake. Ang kailangan mong gawin ay mapuksa ang mga bacteria na iyon para manumbalik ang normal at mabangong hangin na lumalabas sa iyong aircon.

Step1: Start ang sasakyan, buksan ang AC ilagay sa pinakamalakas na setting ang fan, dapat ang re-circulation option ay naka off dahil ang gusto natin yung setting nya naka set sa fresh air na galing sa labas ang hangin na pupunta sa vents.

Step2: Ibaba ang mga bintana para makalabas din ang disinfectant spray na ilalagay.

Aircon intake vent remove bacteria
Step3: Spray ang disinfectant sa ibaba ng windshild, makakakita ka ng air intake vents.


Step4: Hayaan muna ang sasakyan na naka bukas at gumagana ang AC at fan ng 10mins.

Bonus tip: Pagkatapos gawin lahat ng tips namin mas mainam na sanitize kayo ng sasakyan using fog machine tulad ng Carbalen's Germs Bac-off.


Share this post


Leave a comment

Note, comments must be approved before they are published